FLAMES
Isang araw may magte-text na lang sayo, isang lalaking kung tutuusin eh hindi mo naman kilala, pero minsan nakakatext mo, kaya kunwari kilala mo na rin. Ganun naman ang textmates diba? Ayun, gustong makipag-usap sayo. At tadhana nga naman, parehong brownout sa inyo, dahil isa pang tadhana nga naman, magkalapit lang kayo ng bahay! Eh bakit nga ba ngayon mo lang nalaman yun?! Wala ka talagang kwentang textmate.
Kilala ka raw nita. Oh di ba? Ibig sabihin may stalker ka at magaling siyang textmate. Pero hindi yun. Nagkataong yung barkada pala niya, boyfriend ng is mong far friend. Masyado bang malayo? Sige ganito na lang. Yung kaklase mo pala nung first year high school, kapitbahay lang nila. Ayan pwede na.
Simula nun, lagi kayong nag-uusap. Astig nga eh! Alam na alam mo kung siya ang tumatawag. Shempre may caller ID kasi kayo. Pero hindi nga, talagang kahit tulog ka, magigising ka sa eskandalosang pag-kring kring ng leche niyong telepono, at pag sinagot mo na, patay na. Mag-uusap na kayo niyan ng ilang oras na para bang walang bukas pero kung tutuusin naka-bukas na kayo sa sobrang tagal niyong mag-usap. Para bang hindi na kayo mapapanisan pa ng laway sa sobrang kadaldalan niyong dalawa kahit manahimik na lang kayo sa buong buhay niyo.
Niyaya ka niyang makipag-date. Shempre magpapakipot ka pa ba?! Oo naman! Tinanggihan mo. Ano ka, hilo?! Naisip mo na baka papa-licious siya at hindi mo mapigilan ang sarili mong gahasain siya pag nagkataon. Pero kinalaunan, napapayag ka rin niya. Ewan ko ba sayo! Bibigay ka rin pala. Hindi mo siya matiis noh?!
Hindi mo siya matiis kasi alam mong nahuhulog ka na. Nahuhulog ka na sa sofa dahil tinutulak ka na ng pinsan mo sa sobrang kakiligan niya. Pakipot ka lang muna dahil ayaw mong malaman niyang gustong-gusto mo na siyang nguyain ng buong-buo. Lagi mo nga siyang inaaway eh, lalo na pag pinag-uusapan niyo, ibang girls. Nagseselos ka nga ba? Baka nga nahuhulog ka na! Sa tingin mo?
Nahuhulog ka na nga kasi. Nahuhulog na ang loob mo sa kanya. At hindi mo alam, ganun na rin siya sayo. Nagkakahulugan na kayo. Tama na kasi ang pagtutulakan! Maging seryoso naman oh, pwede?!
Eh di ayun nga, naiinlababo na kayo sa isa’t isa. Pero paano yun, eh hindi pa nga kayo nagkikita? Ang gulo noh?! Nagkakaron tuloy ng himala at napapaisip ka. Buti naman gumagana pa ang kinakalawang mong utak. Napapaisip ka, bakit nga ba ganun ang nararamdaman mo?! Tumatalon ang puso mo na para bang nagja-jumping jack sa dibdib mo pag nakikita mo yung pangalan niya sa cellphone mo o kaya yung numero niya sa caller ID niyo. Tuwing magkausap kayo, kinakapos ka sa paghinga kaya kelangan mo pang magpadala sa ospital para magpa-usok dahil hinihika ka na naman. Madalas pa, pag na sa school ka, hindi mo siya maalis sa isip mo. Nakotongan ka tuloy ng katabi mo kasi gusto mo siyang halikan sa pagaakalang siya ang magaling mong textmate.
Malapit na ang the day after tomorrow! Excited ka na! Nagpa-facial ka na, nagpa-manicure, pedicure, groom, bumili ka pa ng pabango, bagong bagsak na pants sa ukay-ukay, bagong ayos na bag, engagement ring, wedding ring, wedding gown, crib, bote na pang-dede, gatas at lampin (that’s so 80’s noh! Di na uso yan!)! Bumili ka na nga rin pala ng load para if ever sa meeting day niyo, naubusan siya ng load, may maipapasa ka sa kanya. Ganun ka ba ka-desperadang makita siya?!
Lagi mo siyang kinekwento sa isa mong kaibigang lalaki. Gustong-gusto mo siyang kausap dahil siya lang ang nakakaintindi sa kahibangan mo. Pero napansin mo, matipid na ngiti lang ang ibinibigay niya tuwing ang textmate mo ang pinaguusapan. Hindi mo na lang pinansin, baka naiingit lang! Pero bakit nga ba naman maiinggit eh kung tutuusin maraming nagkakagusto dito? Pero hindi mo na lang pinapansin, pake mo nga ba? It’s your year anyway. You’ll be officially out of the singles market…Hopefully…
Judgment day has come! And for the first time, naligo ka! Nag-ayos ng buhok, binrush mo nga ng 100 times eh, para kunwari shiny. Nagwisik-wisik ka ng Victoria’s Secret mong pabango, sinuot ang panty mong Victoria’s Secret din. Naubos na yung Victoria’s Secret na bra, kaya nag-Wacoal ka na lang. Yung padded, para maging kaaya-aya sa paningin niya ang boobs mo. Nagpalda ka, yung uso ngayon?! Yung parang hindi pina-plancha. Yung damit mo colorful to brighten up your day. At nag-make up ka pa ha! Daig mo pa ang mga payaso at artista sa sobrang kapal. Pero ok lang, bagay naman sayo eh!
Maaga ka ng 10 oras sa sinet niyong meeting time. Hindi ka naman kasi masyadong excited. May nakita kang gwapong palapit sayo. Siya na nga kaya?!
May lumapit na babae sa kanya.
Ay, hindi siya.
May tumatawag sayo. Siya.
HIM: San ka na?
IKAW: Andito pa lang sa bahay, paalis.
HIM: Oh, I see. I’m on my way.
IKAW: Ok, ingat ha!
HIM: Thanks. Ikaw rin, ingat lagi.
IKAW: Ok. Bye.
HIM: Bye. Love you!
On the way pa lang pala. Hindi siya kasing excited mo, pero at least papunta na siya. Hindi mo muna ni-replyan. Megamall ang meeting place niyo, at manggagaling pa siya ng Baguio. Wow ang layo! Eh dib a malapit lang naman kayo? Ahhh oo nga pala, may pinuntahan siya dun nung isang araw. Joke lang! Pero naisip mo na hindi man lang siya concerned sayo, na hindi..TEKA!
“Love you!â€
Love you?!
Love you nga!
SYEEEEEEET!!! Mahal ka rin niya! Nagtatatalon ka sa tuwa sa Powerbooks. Tinext mo, “Love you too. Tc!†Todo grabe over ang kakiligan mo sa nabasa. Pero gaano nga ba katotoo?
Isang oras ang lumipas, malamang parating na siya. Nag-ayos ka na uli sa CR. Maya-maya nag-text na sayo. “Where are you? I wanna see you na. I’m here sa Starbucks.†Kilig to the bones ka na naman. Nagmamadali kang pumunta sa Starbucks. May nakita kang pamilyar na mukha. Kaklase mo. Kaibigan mo. Crush mo dati. Hindi ka makapaniwala nung una, pero…
IKAW: Ano ibig sabihin nito?
HIM: I’m so sorry…
IKAW: What do you mean? I…I don’t understand…
HIM: Ako toh. Wala namang pagbabago eh. Ako pa rin naman yung textmate mo. I’m sorry ginawa ka toh, pero this is the only way I thought of for you to see me in a new light. I’m tired of being just a friend.
IKAW: Bakit hindi mo na lang sinabi sa sakin?
HIM: Natatakot ako. Mahal na mahal kita. I hate it when I had to make you believe na iba akong tao sa text, pero gusto lang talaga kitang makasama. I know nasasaktan ka dito sa ginawa ko, pero sana mapatawad mo ako.
IKAW: Masama loob ko. Akala ko magkaibigan tayo.
HIM: Please, tell me. I meant those words I said to you kanina. I love you. Sabihin mo sa akin kung nakikipaglokohan ka lang nung nag-text ka.
IKAW: Uhmmm…
HIM: Ok lang sa akin kung hindi totoo, ok lang na masaktan ako dahil alam kong mali ang ginawa ko…
IKAW: It’s true…
HIM: I know. I’m so sorry. I’ll make it up to you any way you want.
IKAW: I mean it’s true. The message I sent to you kanina…
HIM: Oh. Really?
IKAW: Yep.
HIM: Oh, thank God!
At nagyakapan kayo sa harap ng maraming tao sa mall. Hindi mo napigilan ang sarili mong maluha. Ang tanga mo, ang lalaking mamahalin mo ay lagi pa lang na sa tabi mo lang. Bakit ka pa kasi naghahanap?
CUT!
Shooting lang pala ng FLAMES.